JENINE ACASO
MAIKLING KWENTO
NI: JENINE ACASO
ANG NAWAWALANG PRINSESA
Sa bayan ng Mira may isang dalagang nagngangalang Lina, isang napakagandang dalaga, matangos ang ilong, mapula ang labi at may makinis at maputi na kutis. Siya ay nakatira sa isang gubat kung saan ay may malaking mansyon na siyang kanyang tirahan. Naging ulila si Lina sa edad na 17.Simula ng pumanaw ang mga magulang dahil sa mga nilalang na tinatawag nilang bampira.Siya lang ang nakaligtas dahil sa itinago siya ng kanyang mga magulang sa isang sekreto na kwarto.
Isang araw naglalakbay si Lina sa Kagubatan upang mamitas ng bulaklak ng biglang…..may dumukot sa kanya patago,imbis sa alamin kung sino ang humila sa kanya patago,ay napunta ang atensiyon niya sa mga nilalang na nakatayo sa kanyang kinalalagyan kanina……Mga nilalang na may mga pangil at mapupula ang mga mata.Biglang tumulo ang mga luha ni lina dahil sa galit sa mga nilalang at lungkot dahil sa nangyari sa kanyang mga magulang.Nabalik na lang siya sa sarili ng maramdaman niyang bigla siyang binitawan ng taong tumulong sa kanya.Gulat ang tumatak sa mukha ni Lina ng makita niya ang isang napaka gwapo matangkad at maputi na lalaki sa kanyang harapan.
“S..s..s..sala…salamat…utal niyang sabi sa lalaki.Ako nga pala si Lina, Pagpapakilala niya…ng bigla siyang buhatin nito papunta sa bahay niya.Nagulat si Lina sa ginawa ng lalaki,hindi dahil sa pagbuhat sa kanya kundi sa bilis nilang nakaabot sa mansyon.”Dito ka lang at simula ngayon ay huwag kang lumabas dahil dlilikado sa labas”,biglang sabi ng lalaki.Pero…..”hindi pa nakasalita si Lina ay Bigla nalang nawala ang lalaki.Simula ng marinig ni Lina iyon ay hindi na siya lumabas,hindi niya alam kung bakit sumunod siya sa sabi nito. Para bang matagal na niyang kilala ang lalaki.
Hating gabi na hindi paman makatulog si Lina ng biglang may naririnig siyang maingay sa labas,kaya naman sinilip niya ang bintana at laking gulat niya ng makita ang lalaki na lumigtas sa kanya noong nakaraang araw na nakikipaglaban sa mga bampira.Hindi alam ni Lina ang gagawin,magtatago ba siya o tutulungan niya ang lalaki.
Makalipas ang ilang minuto, ng lalaki ang mga kalaban ngunit marami naman itong sugat,kaya agad na bumaba si Lina para tulungan ang lalaki,pero pagkalapit niya dito ay napunta ang kanyang mga mata sa dalawang pangit na matutulis ng lalaki,kaya napaatras siya pero bigla siyang hinila nito papasok sa mansyon.At doon sinabi ng lalaki ang lahat, tungkol sa kanyang totoong pagkatao.
“Ikaw ang matagal ng nawawalang prinsesa ng mga bampira,ikaw ang anak ng hari at reyna ng mabubuting bampira sa kahariang Vinea,Ikaw talaga ang pakay ng mga bampirang pumatay sa kinikilalang mga magulang mo,gusto ka nilang patayin dahil kapag matagpuan ka at makilala ang prinsipeng nakatakda sa iyo ay babagsak at mamamatay ang mga angkan ng masasamang bampira.At ang prinsipeng Kairos,”kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin.pauwi sa tirahan natin,”Nagpakasal si Lina at Kairos at namuhay ng masaya.At nagka-anak ng Kambal si Kaila at Kyro”,
“At doon nag tapos ang pagkwento”ni Lina sa kanyang mga kambal na si kaila at Kairos”Habang nasa tabi ang asawa na si Kairos.
Comments
Post a Comment