JAYLOURD TAMBOBOY
MAIKLING KWENTO
NI: JAYLOURD TAMBOBOY
PAGBABAGO
Sa Bayan ng Antique, may magkakapatid na lalaki na nagngangalang Jose at Pedro. Si Jose ang pinakamatanda at si Pedro naman ay ang bunso. Si Jose ay masipag, mabait, at matalino. Si Pedro naman ay kabaliktaran ng kanyang kapatid. Siya ay tamad at inggetero. Lagi siyang naiingit kay Jose dahil pakiramdam niya si Jose lang palagi ang binigyan ng atensiyon ng kanilang magulang at si Jose lagi ang nasa top 1 sa kanilang klase. Isang araw pinapagalitan si Pedro ng kanilang mga magulang dahil lagi siyang naglalakwatsya at hindi nag-aaral. Dahil naiingit si Pedro kay Jose, lumayas siya sa kanilang bahay at nawlala ng parang bula. Nang malaman ito ni Jose na nawawala si pedro, sinabi niya ito agad sa kanilang magulang. Alalang-alala silang lahat kaya agad nilang hinanap si pedro. Pumunta sila sa bahay ng mga kaibigan ni pedro at wala si pedro doon. Hindi nila alam na sumama pala si pedro sa kaibigan niyang adik sa droga.hanggang may nagreport sa pulis na may transaksyon ang kaibigan ni pedro. Sinugod ng pulis ang warehouse na tinitirhan nila Pedro at nahuli silang dalawa.nakulong silang dalawa at sising-sisi si Pedro dahil sa kanyang ginawa. Nang malaman ito ng kanyang magulang at ni pedro ay dali-dali silang pumunta sa pesento at nakita nila si pedro na nakakulong. Sa awa ng kanyang magulang pinansyahan si pedro para makalaya sa kulongan. Kahit na mali ang ginawa ni pedro, pinatawad parin siya ng kanyang magulang dahil mahal nila ito. At tinulungan nila si Pedro na magbago at hindi naman sila nabigo. Kaya simula noon nagbago na si Pedro at napagtanto niya na mali ang kanyang ginawa sa halip nag-aral siya ng mabuti at nagsikap na magbago na ang kanyang buhay at matupad ang kanyang mga pangarap.at ngayon isa na siyang PROFESSOR SA UP DELIMAN.
Comments
Post a Comment